Minsan dumadating yung panahon na papipilian mo siya.
If ever na may bestfriend (opposite sex) yung taong mahal mo, we think negatively. Naiisip natin na may posibility na maagaw nila yung taong mahal natin. Ganun talaga 'yon. Either hindi natin gusto yung bestfriend niya, or may motive yung bestfriend niya sakanya. Pwede ring good-looking yung bestfriend niya at nai-insecure tayo.
That's where nagkakagulo. Bawat tayo ay may protective side, kaya pakiramdam natin na para tayong inaagawan. Parang gusto nating saktan yung taong 'yon. Iyon ay dahil lahat ng tao ay takot masaktan. Maraming taong mukhang "okay lang" physically. Ngunit kahit sinong tao ay may kahinaan. Ang "feelings" ang pinakamahirap pigilan. Kapag down na down tayo, parang gusto nating sumuko. Kapag masaya tayo, ine-express natin.
As i was saying, dadating rin yung panahon na papipiliin mo siya. Since nagseselos tayo sa bestfriend niya, parang may urge tayo na ilayo siya. And that's practically normal. As i said earlier, may protective side tayo at bawat isa saatin ay ayaw na inaagawan.
Mahirap papiliin yung taong mahal natin sa bestfriend niya at saatin. Una ay dahil takot tayo sa isasagot nila. 79% ng relationships ang dumadanas ng ganitong sitwasyon. At sa 79% na iyon, 54.5% ng tao ay mas pinipili ang bestfriend nila leaving 24.5% chances na mapili ka niya.
Katwiran nila, kapag naghiwalay kayo ng karelasyon mo ay nandiyan ang bestfriend niya. Pero lagi nating tatandaan na WALA KANG IBANG MASASANDALAN KUNDI SARILI MO. Hindi sa lahat ng oras nandiyan ang bestfriend mo. Kung 'yung taong mahal natin ay nagawa tayong iwan, yung bestfriend pa kaya? (Hindi ako pessimistic, praktikal lang ako)
So, tulad ng sinabi ko, kapag pinili niya ang bestfriend niya, then go! respetuhin natin yung desisyon niya. Sa mas pinili niya yung bestfriend niya eh. Kung doon siya masaya, then let him/her be. Kung talagang mahal natin sila, hahayaan natin siyang maging masaya. Kahit pa na hindi ikaw ang dahilan ng kasiyahan niya.
Kung ikaw ang pinili, then congratulations! That means inaalagaan natin sila ng mabuti. Mahalaga tayo sakanila. During this point kailangan natin silang mahalin at alagaan ng mas mabuti. We don't want to lose them, right? huwag tayong maging masyadong mahigpit sakanila. Siyempre kagagaling niya lang sa stage kung saan nawalan siya ng bestfriend, they need some space.
Alam kong parang masama ang hatid sainyo ng aking blog, pero tulad nga ng sinabi ko, i'm just being realistic. :)) I hope you enjoy my opinion. ;)
-Aki xoxo